“No Leave Policy,” ipatutupad ng PCG ngayong holiday season

“No Leave Policy,” ipatutupad ng PCG ngayong holiday season

SIMULA December 15, 2022, ipatutupad sa lahat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ‘No Leave Policy’.

Ito’y upang matiyak na magiging ligtas ang publiko sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong Kapaskuhan.

Alinsunod naman sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, magkakaroon ng deployment ng mga PCG security personnel, K9 teams, medical officers, at PCG Auxiliary (PCGA) volunteers sa mga paliparan, istasyon ng tren, at kalsada.

Ipatutupad ito dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa pantalan, passenger terminal at iba pang transportation hub.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, naka-heightened alert ang nasa 25,000 na coast guard personnel mula sa Coast Guard District, station, at sub-station sa buong bansa.

Tatagal ang ‘No Leave Policy’ hanggang Enero 7 taong 2023.

Batid ng Philippine Coast Guard na bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin ang isakripisyo ang kanilang bakasyon sa Pasko para sa kaligtasan ng publiko.

 

Follow SMNI News on Twitter