MAS hinigpitan pa ngayon ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (NOLCOM) AFP ang kanilang operasyon laban sa mga natitirang kasapi ng komunistang teroristang grupo.
Ito’y matapos ang nangyaring serye ng engkwentro ng mga otoridad laban sa Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA) sa Barangay Maragat, Kabugao, Apayao.
Base sa tala ng mga sundalo mula Abril 5 hanggang 11 taong kasalukuyan, kanilang inilunsad ang security operations sa ilalim ng Joint Task Force Tala ng 5th Infantry Division matapos na isumbong ng mga residente ang presensya ng mga armadong kalalakihan sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar na nagdulot ng takot sa payapang komunidad ng kabugao.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa palitan ng putok mula sa dalawang panig na tumagal ng ilang araw hanggang sa napa-atras ang rebeldeng grupo at nakumpiska ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas, mga pampasabog at mga sunersibong dokumento.
Sa ngayon nagbigay na ng derektiba ang NOLCOM sa lahat ng kanilang operational units na panatilihin ang ginagawang pursuit operations, magsagawa ng mga strategic blocking positions at makipag-ugnayan sa kapulisan upang matunton at agad na maharang ang mga tumakas na rebelde.