Nora Aunor, may ibininunyag tungkol sa isang mambabatas

Nora Aunor, may ibininunyag tungkol sa isang mambabatas

SA isang homemade video recording na mistulang kuha sa loob ng kaniyang opisina, ibinulgar ng National Artist for Film and Broadcast Arts at nag-iisang superstar ng Philippine Cinema na si Nora Aunor ang aniya’y sikreto ng isang mambabatas na iilan lamang ang nakakaalam.

Sa harap ng daan-daang Bikolano sa isang event sa Albay, ipinalabas ang video ni Ms. Nora Aunor.

Kung saan inilahad niya ang pagkakakilala niya sa isang senador.

Walang iba kundi si Sen. Christopher Bong Go!

Sabi ng Superstar…

“May sikreto akong ishe-share sa inyo. Alam n’yo po ‘yang si Kuya Bong Go, naku! Masyado hong mahiyain. Totoo po ‘yan. Ayaw n’yang ipagmalaki ang napakarami na n’yang nagawa para sa milyon milyong Pilipino. Trabaho lang nang trabaho yan,” ayon kay Superstar Nora Aunor.

Paglalahad pa ni Aunor, ngayon lamang siya nakakilala ng opisyal ng pamahalaan na katulad ni Go.

Si Go ang principal author at sponsor ng batas na nagtatag sa Malasakit Centers.

Ayon sa Department of Health, hindi bababa sa 10 milyong Pilipino ang napagserbisyuhan na ng Malasakit Centers sa buong bansa.

“Walang pinipiling lugar, walang pinipiling oras at lalong walang pinipiling katayuan sa buhay. Lahat ng Pilipino para sa kanya ay mahalaga. Isa siyang tunay na tao na kung mag-serbisyo personal, harapan. Hindi sa TV o facebook lang. Hindi po pilit. At higit sa lahat, may malasaki,” wika ni Aunor.

Dahil hindi naman ugali ni Senator Go na ipagmalaki ang kaniyang pagseserbisyo, hinikayat ni Superstar Nora Aunor ang kaniyang mga kapwa-Bikolano na ipamalita ang mga serbisyo ng gobyerno.

Na nailapit sa Pilipino dahil sa pagtulong ng senador.

“Ako naman ang makikisuyo sa inyo o makikiusap, kung ok lang ba? Gawin natin ito para sa kanya. Tayo na mismo, tayo na po ang magkwento at magbalita sa iba kung gaano tayo kaswerte at kung gaano tayo kamahal ng nag-iisang Mr. Malasakit, ang ating si Senator Kuya Bong Go,” ayon pa sa superstar.

Nasa Albay kahapon si Senator Bong Go para maghatid ng tulong sa mga Bikolanong nangangailangan ng tulong.

Follow SMNI NEWS on Twitter