North Korea, nagsagawa ng firing drills para mapalakas ang kanilang “combat readiness”

North Korea, nagsagawa ng firing drills para mapalakas ang kanilang “combat readiness”

NAGSAGAWA nitong Huwebes, Marso 7 ng artillery firing drills ang North Korea at pinangunahan ito mismo ng North Korean leader na si Kim Jong Un.

Sinabi ng bansa na paraan nila ito para mapalakas ang kanilang “combat readiness” kasunod sa naunang sinabi nito na hindi sila pabor sa nangyayaring South Korea-US Military Training.

Anila, rehearsal ito ng dalawang bansa para sa isang pananakop.

Samantala, nagsimula ang military training ng Seoul at Washington nitong Lunes, Marso 4, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble