AYAW magpatawag na ‘pinakatanyag’ na manlalaro si tennis player Novak Djokovic.
Aniya hindi makatarungan para itanghal siya bilang pinakatanyag na manlalaro.
Ito’y kahit nasungkit niya na ang kaniyang ika-23 Men’s Grand Slam title nitong Hunyo 11, 2023.
Ayon kay Djokovic, nagmimistulang hindi nirerespeto ang ibang mga naging kampeon kung ituring siyang pinakatanyag.
Aniya, masaya lang siya at naniniwala sa kaniyang sarili na kakayanin niya ang kaniyang bawat match.
Kasabay nito, sinabi ni Djokovic na magpapatuloy pa siya sa paglalaro ng tennis at matagal pa bago ito magretiro.