NPA, ipinapahid ang kasamaan sa gobyerno— Usec. Badoy

NPA, ipinapahid ang kasamaan sa gobyerno— Usec. Badoy

“IPINAPAHID lamang ng New People’s Army (NPA) ang kanilang kasamaang ginagawa sa gobyerno”.

Ito ang inihayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)  Usec. Loraine badoy sa programang Laban Kasama Ang Bayan.

“I am reminded by Joseph Goebbels, the Natzi propaganda, Natzi propaganda minister.  Alam mo ang sinabi niya ‘Accuse the other side of that of which you are guilty of”, ani Badoy.

Inalala rin ni Usec. Badoy ang ginawa ng NPA sa atletang si Keith Absalon at pinsan nito na walang awang pinaslang ng mga rebelde sa Masbate.

Ayon kay badoy, kung ano ang inaakusa nila sa gobyerno, sila ang mismo ang gumagawa nitong mga paglabag sa International Humanitarian Law.

 

SMNI NEWS