NTF-ELCAC, hindi militarisasyon ang dala kundi pagtulong sa mamamayan –Pastor Apollo

NTF-ELCAC, hindi militarisasyon ang dala kundi pagtulong sa mamamayan –Pastor Apollo

IPINAGTANGGOL ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang programang NTF-ELCAC ng pamahalaan na hindi ito militarisasyon.

“‘Yang word na militarization saan galing ‘yan? Sa kanila (komunista) rin. Pagka ang military pumunta sa isang bundok o kaya tumutulong tulad ng sa NTF-ELCAC tumutulong ang mga sundalo aba militarization. ‘Stop militarization!’,” pahayag ni Pastor Apollo.

Kaugnay ito sa tila pamumuna at pagtutol ng mga komunistang kilusan dahil sa paggamit ng mga militar at kapulisan sa implementasyon ng programa partikular na sa mga malalayong lugar na hindi maabot ng serbisyo ng pamahalaan.

Sa kanyang live TV program na Sounds of Worship, iginiit ni Pastor Apollo na ang paggamit ng militar ay hindi para makipaglaban kundi maging tulay sa paghahatid ng mga programa gaya ng gamot at iba pang serbisyo ng pamahalaan na ligtas at maprotektahan ang mga benepisyaryo dito.

“Pero ‘yung sundalong tumutulong sa mga mamamayang naroroon. For example there is army engineering brigade gumagawa ng daan doon sa kabundukan na walang mga daan tinutulungan ang NTF-ELCAC na kinaltas naman nitong mga mambabatas ang kanilang pondo para matulungan ang mga mamamayang naroroon. Anong sasabihin? Militarization. Pagka makakita ‘yan ng mga uniporme ng mga sundalo militarization kahit ang dala ng mga military medisina, pagkain…militarization,” ayon sa butihing Pastor.

Kinondena rin ni Pastor Apollo ang panggigipit ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa mga kasundaluhan at kapulisan  sa mga bundok na tanging pakay lang naman ay tumulong sa mga mamamayan.

“Pero ‘pag sila ang nananalasa doon sa mga barangay na walang military ay walang militarization. Ano ‘yung sa kanila? terrorization. You are terrorizing the people, you are putting fear in their hearts para hindi sila makapagsalita. Ganyan kayo ka-deceptive mga komunista kayo,” wika ni Pastor Apollo.

Dagdag pa ng butihing Pastor, tapos na ang maliligayang araw ng NPA sa bansa.

“Tapos nang masasayang araw ninyong namamayapag kayo’t nagkukunwari. Nagkukuwanri kayo sa ating bayan,” ani pa ni Pastor Apollo.

Kaugnay nito, iginiit rin ng butihing Pastor ang kanyang pagtutol sa pagsasabuhay ng peace talks para hindi na muling makapanalasa ang mga NPA sa bansa.

Aniya duda siya sa nasabing hakbang.

“Ang peace talk na ‘yan ay panloloko. Hindi peace talk ‘yan, panloloko ‘yan para lumakas naman sila tapos mananalasa, mang-a-ambush. ‘Pagka ‘yan nagsasalita ng peace talk mang-a-ambush ‘yan. Ang ibig sabihin iho-hostage nila ang gobyerno para lumuhod at pagkatapos ‘Huwag ka nang mag-terrorize sige, sige peace talk na tayo.’ ‘Pag peace talk, ang kanilang terms ang iyong susundin sila ang gobyernong gustong mamahala sa atin. Gusto ba ninyo ‘yun? Ayan ang kagagawan ni Satanas dito sa lupa at nanalasa hindi na ‘yan mangyayari pagka ang ating Panginoong Hesu Kristo ang maghahari dito,” ayon sa butihing Pastor.

Sa katunayan aniya,  wala nga ni isa ang komondena o sumaway mula sa mga kumonistang kilusan matapos na masugatan ang pitong miyembro ng militar matapos masabugan ng anti-personnel mines sa bayan ng Mapanas, Northern Samar.

Dalawa mula sa pito ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, sinisisi ni 8TH Infantry Division ng Philippine Army Major General Edgardo de Leon, ang mga rebeldeng New People’s Army sa nangyaring pag-atake.

Aniya, paglabag ito sa Ottawa Convention or the Anti-Personnel Mine Ban Treaty kung saan signatory ang Pilipinas ang pagtatanim ng mga rebelde ng landmines.

Sa huli, nanindigan si Pastor Apollo kasabay ng panawagan sa publiko na suportahan ang NTF-ELCAC dahil sa malaking tulong nito sa bansa lalo na sa aspeto ng kapayapaan.

“Itong NTF-ELCAC is a whole-of-the-nation approach ayaw nila ‘yun. Ang laki ng mga nagawa ng NTF-ELCAC. Andaming mga surrenderees dito sa amin banda, Bukidnon banda dyan nawala lahat ng NPA. Diyan sa Tamayong nananalasa ang mga NPA, wala nang mga NPA ngayon diyan, ‘yan ang resulta. Sundalo ka man o hindi ‘pag ang resulta ay kapayapaan hindi militarisasyon ‘yun, kapayapaan. Ayaw ng mga NPA at CPP ng kapayapaan gusto nila kaguluhan. Tapos mananakot pa ‘Aambusin namin kayo, papatayin namin kayo’ para bang sila ang mga panginoon natin dito sa lupa. Anong sinabi ng Panginoong Diyos? Fear them not that kill the body but are not able to kill your soul but fear Him who has the power to kill the body and throw your soul into hell. Him you will fear,” dagdag ni Pastor Apollo.

 

Follow SMNI News on Twitter