PAALALA ng honorary chairman ng SMNI na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa lahat na bumubuo ng kanyang broadcasting network na manatili sa matuwid na landas.
Binigyan din ang SMNI News ng Plaque of Recognition para sa Special Report series nito partikular na sa War on Drugs.
Kinilala rin ang SMNI bilang Most Rising Network in the Philippines dahil sa hindi matatawarang kontribusyon ng network sa paghatid ng tamang impormasyon at balita.
Maging ang SMNI anchor-reporters na si MJ Mondejar ay kinilala rin bilang Most Promising Young Journalist at Field Reporter in the Philippines habang ang anchor-reporter na si Admar Vilando naman ay itinanghal naman bilang Outstanding Broadcast Journalist and Program Host of the Year.
Nauna nang sinabi ni Pastor Apollo na ang SMNI ay para lang sa nation building, sa pagbibigay ng totoong balita at wala nang iba.
BASAHIN: SMNI, kinilala bilang “Most Credible and Reliable News Source of the Year”
SMNI, tumanggap ng Netizens Best Choice Award bilang “Fast Growing Social Media of the Year”
Pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI, lalo pang tumaas batay sa Publicus Asia survey