Nutrisyong abot-kaya, isinusulong sa Gitnang Luzon

Nutrisyong abot-kaya, isinusulong sa Gitnang Luzon

ISINUSULONG sa Gitnang Luzon ang abot kaya at tamang nutrisyon matapos itong tinalakay sa launching ng 49th Nutrition Month ngayong Hulyo sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) Region 3.

Sa mensahe ni Dr. Corazon I. Flores, Director IV, Department of Health Central Luzon Center for Health Development  (DOH-CLCHD), kaisa ang DOH Region 3 at NNC sa pagsusulong ng maayos na nutrisyon sa Central Luzon.

 “Our advocacy is the advocacy to enhance nutrition by improving access to sustainable healthy diet for all Filipinos, for all people in Central Luzon. At alam ko po na bawat ahensiya na nirerepresenta po na andito lahat po tayo, gusto po natin magkaroon ng healthy diet sa bawat taga-Central Luzon and I think in our families, in our own family gusto po natin lahat ng miyembro ng pamilya natin, malusog, malakas, at masigla, di ba?” ayon kay Dr. Corazon Flores, Director DOH 3.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI kay Flores, sinabi nitong malaki ang backyard at farmland ng Central Luzon para taniman at magkaroon ng murang halaga ng gulay.

 “Tayo maluwang ang farming land natin sa Central Luzon. We can plant vegetable in our backyard basta magsipag, like alam mo ‘yung kangkong, ang dami namang talbos, ang dami namang mga punla, mga gulay puwedeng itanim sa ating mga paligid, di po ba? May gulay, mga fruits so it will make us much healthier and much cheaper,” dagdag ni Director Flores.

Payo naman ni Flores sa mga magulang na umpisahang pakainin ng tama ang mga bata, magbreastfeed, at iwasan ang mga fast food.

“We should start our children into introducing them na pakainin ng healthy diet. Of course ‘yung mga bata, pagkapanganak ay kinakailangan ng breastfeeding ‘yan. So bini-breastfeed siya tapos huwag natin siyang exposed sa tinatawag nating fast food di ba. Dapat mga magulang nagluluto sa bahay and how to make it up kasi mas cheaper ‘yung luto sa bahay kesa ‘yung bibili ka sa fast food and safe,” ani Flores.

Hinimok din ni Flores ang mga kabataan na maging mapagbantay sa kanilang mga kinakain para makamit ang tamang nutrisyon.

“Sa mga kabataan, alam ko po na mahilig kayong, tawag dito ‘yung mga milk tea, coffee, etcetera, na mga kilalang brand, it will be expensive and not so nutritious. So, tingnan po natin, let us put into our consciousness na ‘yung ating nilalagay sa ating katawan will make us healthy or not healthy. So, we had to choose wisely also,” aniya.

Samantala bilang ahensiya na nangunguna sa paglaban sa malnutrisyon, ipinaliwanag ni NNC Region 3 Nutrition Coordinator Ana Maria Rosaldo na hindi lang stunting, wasting, underweight, overweight, at obesity ang matatawag na malnutrisyon kundi pati rin ang micro-nutrient deficiency na tinaguriang hidden hunger.

 “Sa National Nutrition Council, bilang policy making and coordinating body in nutrition by virtue of Presidential Decree 491 na siyang nangungunang ahensiya para i-coordinate ‘yung lahat ng action ng iba’t ibang ahensiya, ng gobyerno upang matugunan ‘yung ating problema sa malnutrition. At ‘yan kasama ‘yung underweights, stunting, wasting, at ganun din ‘yung overweight and obesity and of course dapat alalahanin natin ‘yung problema natin sa micro-nutrient deficiency na tinatawag nating hidden hunger, ‘yung ating problema sa Vit A, Iron, at sa iodine,” ayon kay Ana Maria Rosaldo, NNC Region 3 Nutrition Coordinator.

Samantala, ang bagong Philippine Plan of Action (PPAN) 2023-2028, ayon kay Rosaldo ay nakatuon sa life stages ng isang tao mula sa first 1,000 days hanggang sa elderly.

“So, ‘yung ating Philippine Plan of Action for Nutrition 2023 to 2028, ito po ay bagong cycle ng PPAN na kung saan ang approach po natin dito ay ‘yung life stage ‘yung sa first 1,000 days, i-address natin ‘yung concern ng mga pregnant women kasi ‘yung first 1,000 days nag-uumpisa siya  mula doon sa conception. Pagka ‘yung bata ay nasa sinapupunan hanggang siya ay mailuwal na hanggang sa 2 years old na’ yung bata. At natutugunan din ‘yung sa mga pre-school children ‘yung kanilang pangangailangan,” pahayag ni Rosaldo.

“‘Yung next stage of life ay pag naging sila’y teenager na. And then ‘yung susunod ay sa adults, mas challenging ‘yung adults kase dito na lumalabas ‘yung mga non-communicable diseases katulad ng diabetes, ng hypertension, at ganun din ‘yung problema din natin sa obesity, at sa overweight. Of course hindi natin kakalimutan ‘yung ating mga elderly, kasama na rin sila sa ating Philippine Plan of Action for Nutrition,” dagdag ni Rosaldo.

Sa panel discussion nagbigay ng commitment ang tatlong panelist na DOH, Department of Agriculture (DA), at National Economic and Development Authority (NEDA) para tulungan ang NNC na labanan ang malnutrisyon sa Central Luzon.

Pumirma rin sa pledge of commitment para labanan ang malnutrition ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), Business Manager District/City Nutrition Program Coordinators, Members of Central Luzon Association of Brgy. Nutrition Scholars, Inc., at Central Luzon Advocates and Regional Nutrition Information Network (CLARINET).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter