OCD Northern Mindanao, naka-red alert dahil sa Bagyong Kabayan

OCD Northern Mindanao, naka-red alert dahil sa Bagyong Kabayan

PINAGANA na ng Office of Civil Defense (OCD) Northern Mindanao ang kanilang response cluster na tutugon sa sakuna.

Ito ay matapos ilagay sa red alert status ang kanilang hanay dahil sa Bagyong Kabayan.

Partikular nilang inihanda ang mga kagamitan at rescue team na tutulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito, palalakasin ng OCD Northern Mindanao ang pagpapakalat ng impormasyon para sa kapakanan ng publiko.

Nabatid na nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment ang ahensiya upang paghandaan ang posibleng epekto ng bagyo sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble