October 1 6/55 Lotto draw ng PCSO, paiimbestigahan sa Kamara

October 1 6/55 Lotto draw ng PCSO, paiimbestigahan sa Kamara

NAGHAHAIN ngayon si House Minority Leader Marcelino Libanan ng house resolution para paimbestigahan ang October 1, 2022 6/55 Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang makasaysayang Lotto draw na nagtala ng 433 na nanalo na naghati-hati sa P263-Million jackpot prize.

Ayon kay Libanan, nagdulot ng kalituhan sa taumbayan ang Lotto draw na iyon kung ito ay nadaya o hindi.

Lalo na at divisible by 9 ang winning number combination na 09-45-36-27-18-54 kaya dapat itong maimbestigahan.

Pinagagalaw naman ni Libanan ang House Committee on Games and Amusements para paimbestigahan ang ‘rate outcome’ ng nasabing draw.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter