OFW Hospital, nangangailangan ng 200 nurses

OFW Hospital, nangangailangan ng 200 nurses

INIHAYAG ni OFW Hospital Administrator Dr. Dante Dator na nangangailangan ng karagdagang 200 nurses ang pasilidad.

Sa kasalukuyan, 52 nurses kabilang ang 25 dating OFWs pa lang ang meron ang OFW Hospital sa Pampanga.

Dahil dito, ipinanawagan nila sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglathala hinggil sa kanilang pangangailangan ng nurses.

Ang OFW Hospital ay binuksan noong Mayo.

May 100-bed capacity ito at nag-aalok ng libreng serbisyo para sa mga OFW at dependents nito.

 

Follow SMNI News on Twitter