Mga guro na may COVID-19, sintomas at close contact exposure, magkakaroon ng paid leaves –DepEd

Mga guro na may COVID-19, sintomas at close contact exposure, magkakaroon ng paid leaves –DepEd

MAARING mag-avail ng paid leave o excuse absence ang mga guro na magpopositibo sa COVID-19, makikitaan ng sintomas o may close contact exposure at kailangan mag-isolate.

Ito ang nilinaw ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa sa news conference.

Ayon kay POA, ang sick leave o excuse absence ay nakapaloob sa DepEd Order 39 na base sa Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular No. 2 Series of 2022.

Gayunpaman, sinabi ng DepEd spokesperson na ang limitasyon sa naturang paid leaves ay alinsunod sa kung ano ang ibinigay sa ilalim ng CSC Memorandum Circular.

Una nang kinumpirma ng DepEd na may mga naiulat na COVID-19 cases sa mga paaralan kasunod ng pagbabalik ng face-to-face classes.

 

Follow SMNI News on Twitter