OFW na nanalo ng kaso laban sa employer sa Saudi, tumanggap ng higit P500K

OFW na nanalo ng kaso laban sa employer sa Saudi, tumanggap ng higit P500K

TUMANGGAP ang OFW na si Joy Marie Ante mula sa Yanbu, Saudi Arabia ng mahigit P500K matapos manalo ito sa kaso laban sa kaniyang employer na hindi nagpasuweldo ng 29 buwan.

Sa tulong ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) at pag-hire ng private lawyer ng Foreign Recruitment Agency (FRA) na Al-Hogori Recruitment Office, naipanalo ang kaso sa loob ng 8 buwan.

Ayon kay Joy Marie, habang inilalaban niya ang kaso ay pansamantala muna itong nanuluyan sa may ari ng FRA.

Nagbayad ang employer ni Joy Marie ng 43,500 Saudi riyals na labis ikinatuwa ng OFW.

Ayon sa Pinay worker, bukod sa hindi nabayarang suweldo ay naging mabuti naman ang pakikitungo sa kaniya ng employer.

Isa sa mga dahilan kung bakit natagalan bayaran ang naturang OFW ay dahil naapektuhan ang kita ng kaniyang employer noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter