NAIULAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa noong buwan ng Pebrero 2023.
Base sa datos ng Central Bank, bumaba sa $98.2-B ang GIR level noong Pebrero kumpara sa $100.7-B noong Enero.
Ipinaliwanag ng BSP na ang buwanang pagbaba ng reserbang dolyar ay bunsod ng net foreign currency withdrawals ng pamahalaan.
Kabilang sa reserve assets ng Central Bank ay ang foreign investments, ginto, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund (IMF) at Special Drawing Rights (SDRs).
Samantala, inihayag naman ng economic managers na makakatulong ang mga nasabing reserves para marespondehan ang mga external shocks gaya ng COVID-19.