AVAILABLE na para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang OFW pass service.
Sa anunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW), pamalit na ito sa tradisyunal na overseas employment certificate na kinakailangan mula sa paalis na OFWs.
Anila, mas mainam namang gamitin ang kanilang mobile app na OFW pass kumpara sa nakagawian at maaari itong gamitin para gumawa ng e-registration account.
Mapapangalagaan pa ng mga ito ang kanilang information sheet.
Noong nakaraang taon ay isinailalim na ang app sa pilot test sa mga lugar tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Hong Kong, Singapore, Qatar, Oman, Malaysia, Taiwan, Japan, United Kingdom, at Pilipinas.