NAKIISA ang mga OFW sa Hong Kong sa ginawang pasasalamat kay PRRD na dinaluhan ng ating mga kababayan sa araw ng kanilang pamamahinga.
Nag-organisa ang mga masugid na taga suporta ng papaalis na sa pwesto na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hong Kong, bilang pakikiisa sa ginanap na “Salamat PRRD sa Quirino Grandstand sa Pasay Manila.
Kabilang sa isinagawang aktibidad ang t-shirts printing bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa Pangulo.
Ilan sa mga OFW sa Hong Kong ay nagpaabot ng kanilang mensahe ng pasasalamat para sa Pangulong Duterte.
Samantala, nalulungkot man ang karamihan sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte, masaya naman ang mga ito sa papasok na bagong administrasyong Marcos dahil anila maipagpapatuloy pa rin nito ang nasimulang pagbabago ng kasalukuyang administrasyon.