OFWs, makakapagtrabaho na muli sa Kuwait

OFWs, makakapagtrabaho na muli sa Kuwait

MAAARI nang makapasok muli sa Kuwait ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, kasunod ito sa pag-alis ng Kuwaiti Government sa ban hinggil sa pag-isyu ng entry at worker visas sa mga Pilipino.

Inanunsiyo na rin ito ng Department of Migrant Workers at mismong mga matataas na opisyal sa Kuwait.

Ibig sabihin din nito, maaari nang makabalik sa Kuwait ang mga dati nang OFW na nagtrabaho doon.

Matatandaang ipinatupad ang ban noong may 2023 dahil sa umano’y paglabag ng Pilipinas sa bilateral labour agreement nito sa pagitan ng Kuwait.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble