Oil price hike, nakaamba ngayong linggo

Oil price hike, nakaamba ngayong linggo

MAGKAKAROON ng panibagong oil price hike ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.

Sa pagtataya, posibleng magtataas ang kada litro ng diesel ng mula 30 sentimos hanggang 50 sentimos.

Habang posibleng walang paggalaw o tataas ng 20 sentimos ang kada litro ng gasolina.

Mula 40 sentimos hanggang 50 sentimos naman ang posibleng itataas ng kada litro ng kerosene.

Ang naturang oil price hike ay magiging epektibo bukas araw ng Martes, Oktubre 29.

I-aaanunsyo rin ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble