Olympic Day 2023, ginunita; POC mamimigay ng cash incentive sa mga nanalo sa SEAG

Olympic Day 2023, ginunita; POC mamimigay ng cash incentive sa mga nanalo sa SEAG

UUMPISAHAN na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagbibigay ng cash incentive sa mga national athletes – partikular na ang mga medalist sa Southeast Asian Games (SEAG).

Ayon kay POC-NSA Affairs Deputy Secretary General Karen Caballero, nakipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang national sports associations para sa schedule sa pamimigay ng cash incentives.

Ito aniya ay isasagawa mula Hunyo 26 hanggang sa 30.

Ang mga atleta o grupo ng mga atleta ay tatanggap ng cash incentive batay sa dami ng medal na kanilang napanalunan.

P100-K ang ibibigay para sa bawat gold medal. P50-K para sa bawat silver medal. At P25-K naman para sa bawat bronze medal.

Nilinaw naman ng POC na ibang halaga naman ang ibibigay para sa mga atleta na nanalo bilang grupo.

Ang cash incentive na ipamamahagi ng POC ay bukod pa sa matatanggap ng mga atleta na incentive mula sa Philippine Sports Commission.

Follow SMNI NEWS in Twitter