Mga atletang sumabak sa SEAG sa Cambodia, makatatanggap ng cash incentive

Mga atletang sumabak sa SEAG sa Cambodia, makatatanggap ng cash incentive

MAKATATANGGAP ng bonus ang mga atletang Pinoy na sumabak sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games (SEAG) sa Cambodia.

Ayon kay sa Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, nasa kabuuang P12.40-M ang ibabahagi sa 260 atleta na nagwagi sa Cambodia.

Ang nasabing halaga ay mula sa Manuel V. Pangilinan Sports Foundation at P5.2-M naman ay mula sa POC.

Ang mga atletang Pinoy ay nakakuha ng 58 golds, 85 silver at 117 na bronze.

Sa ilalim ng incentive program ng POC, isang milyon ang makukuha ng gold medalist, P50,000 sa silver medalist at P30,00 sa bronze medalist.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter