PINABIBIGYANG-pansin sa Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ni Sen. Win Gatchalian ang talamak na bentahan ng mga sanggol ngayon sa online.
Hinimok din nito ang ahensiya na sugpuin ang ganitong kalakaran at panagutin ang mga sangkot sa gawaing ito sa ilalim ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.
Mababatid na napigilan ng Philippine National Police (PNP) ang tangkang pagbenta ng isang sanggol sa halagang 50-K hanggang 90-K.
Nananawagan din si Gatchalian sa iba pang law enforcement agency na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa naturang ilegal na gawain.