NAGSAGAWA ng feeding program activity ang Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City bilang paggunita sa pagdiriwang ng 125th Independence Day.
Namahagi ng sopas ang OPAV at Visayas Command para sa isang libong mga bata nitong umaga ng Lunes, Hunyo 12, 2023.
Namahagi rin ng mga sako ng bigas sa 250 pamilya, school bags sa 1,000 na mga bata at libreng haircut.
Ayon kay VisCom Assistant Secretary Antonio Veloso, Jr. susunod na maglunsad ang BBM Caravan sa Region 6, sa Bohol at magpapatuloy kada buwan ang outreach program.
Kamakailan namang isinagawa ang outreach program sa Compostela, na mayroong libreng, consultation, drafting, notarization ng mga legal na dokumento ng Integrated Bar of the Philippines, nakapagbahagi rin ng serbisyo ang Philippine Statistics Office, Technical Education and Skills Development Authority, Bureau of Internal Revenue, Department of Social Welfare and Development, Department of Migrant Workers, and Overseas Workers Welfare Administration.
Layunin ng caravan na ilapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno.