TILA isang masigarbong pagdiriwang ang naganap para sa paggunita ng Philippine Independence Day sa Burnaby, BC, Canada na pinaunlakan ng mga dignitaryo bilang pakikiisa sa Filipino community sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa mga banyaga.
Pinakita rin ng iba’t ibang grupo ang kanilang mayaman na kultura sa pagsasayaw at pagkanta.
Isang mahalagang mensahe ang pinaabot ng Philippine Consul General ng Vancouver na sa si Ms. Arlene T. Magno para sa mga Pilipino.
“Sa araw na ito alam nyo nman na sine-celebrate natin ang 125th anniversary of the proclamation of Independence Day and on this day maganda na gunitain natin ang importansya, ang pagkakahalaga ng unity among Filipinos. We are about 1million strong sa Canada and 10 million in the world, sa dami natin sa labas magandang value na hindi mawala satin ang pagkakaisa. May mga nagtatanong bakit hindi na lang tayo magkaroon ng isang malaking celebration but you know we are country of many islands thousands of islands and you know there is beauty in diversity and you know hindi natin maalis na marami tayong mga iba’t ibang rehiyon, iba’t ibang paniniwala, iba’t ibang hilig and you know there is nothing wrong with that and important is we unite around one idea for example so gusto natin suportahan ang culture ng Pilipino or di kaya meron tayong kalamidad sa Pilipinas so magkakaisa rin tayo magtutulungan tayo around that,” pahayag ni Philippine Consul General Arlene Magno.
Nagpasalamat din ang president ng FAST (Filipino Advocacies Support Team and Volunteers) na si Mr. Jo Andallo
“Sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang na ito. Well gusto namin pasasalamatan lahat ng dumalo unang-una mga dignitaries coming from federal province and city officials who celebrated with us in this historical event, historical because it’s the first time that we raised the Philippine flag dito sa bayad ng Burnaby,” wika ni Mr. Jo Andallo, FAST (Filipino Advocacies Support Team and Volunteers) President.
“Covering the event thank you so much Pastor Apollo Quiboloy for allowing your team to come and to cover this historical event so independence talking to our future generation because mahal natin ang kalayaan kapayapaan at pagkakaisa bilang Pilipino. Kahit nasaan man tayo sa Pilipinas o ibang banda,” dagdag ni Andallo.
