Operasyon ng GCash, ‘di kailangang itigil kasunod ng scam issues—IT expert

Operasyon ng GCash, ‘di kailangang itigil kasunod ng scam issues—IT expert

HINDI na kailangan pa na ipatigil pansamantala ang operasyon ng digital wallet na GCash.

Ayon kay Art Samaniego, isang IT expert sa panayam ng SMNI News, ligtas ang GCash at ang ‘weak link’ lang nito ay ang users.

March 28 nang iulat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto ng apat na suspek na sangkot sa GCash scams sa hiwalay na operasyon sa Manila at Quezon City.

Sinasabi ng mga suspek na bibili sila ng GCash accounts sa halagang 450 pesos at ibebenta naman ito muli sa halagang 550 pesos online via Facebook at messenger.

Ayon kay Samaniego, ang tanging purpose lang din ng buy-and-sell scheme na ito ng GCash accounts ay para sa scam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter