Operasyon ng LRT-1, bahagyang naantala dahil sa pagtalon ng 1 pasahero sa riles sa Doroteo Jose Station

Operasyon ng LRT-1, bahagyang naantala dahil sa pagtalon ng 1 pasahero sa riles sa Doroteo Jose Station

BAHAGYANG naantala ang operasyon ng LRT Line 1, pasado alas-dose ng tanghali nitong Martes dahil sa pagtalon ng isang pasahero sa riles.

Kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang insidente na kung saan isang babae ang bigla umanong tumalon sa riles habang papalapit ang tren sa south bound ng Doroteo Jose Station.

Ayon sa LRMC, ligtas na ang naturang pasahero na kamuntikan nang magulungan ng tren.

Nagtamo lamang ito ng minor injury na agad isinugod sa ospital matapos ang insidente at iti-nurn over na rin sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Mag-aala una naman nitong Martes nang magbalik sa full operations ang LRT-1.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble