Operasyon ng mga POGO malapit sa military bases, ipinapahinto na ng DND

Operasyon ng mga POGO malapit sa military bases, ipinapahinto na ng DND

IPINAPAHINTO na ni Department of National Defense (DND) Sec. Gibo Teodoro Jr. ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) malapit sa military bases.

Ito’y para maiwasan ang mga kriminal na aktibidad na nagiging sanhi sa paghina ng financial standing, ratings ng bansa, at pamamayagpag ng korapsiyon sa lipunan.

Partikular na may malapit na mga Chinese casino at POGO sites sa Camp Aguinaldo; Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City; sa Philippine Air Force Headquarters sa Pasay City; Philippine Army Headquarters sa Taguig City; Philippine Navy Headquarters sa Manila.

Taong 2019 nang ikinaalarma na ni dating Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga lokasyon ng casino at POGO malapit sa military bases.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble