Operasyon ng Pasig River Ferry Service, tuloy ngayong Labor Day

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, tuloy ngayong Labor Day

TULOY ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong Labor Day, Mayo 1.

Bukas ang ferry service mula 6 am – 6 pm.

Mayroon itong 13 istasyon kabilang ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig; Guadalupe at Valenzuela sa Makati; Hulo sa Mandaluyong; Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Lambingan, at Quinta sa Maynila.

Nanatiling libre ang pagsakay sa Pasig River Ferry Service.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter