HINIKAYAT ng Office of the Press Secretary (OPS) ang lahat na makiisa sa ginagawang pagsasaayos ng mga tulong na ipadadala sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay OPS-Officer In Charge Undersecretary Cheloy Garafil, para sa mga naghahanap ng paraan upang makatulong, binuksan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang tanggapan sa mga volunteer na gustong tumulong sa repacking ng family food packs.
Upang makibahagi rito, ibinahagi ng OPS na maaaring tumawag o magtext sa 0915 292 1875 at hanapin si Ms. Nica.
Dagdag pa ng Office of the Press Secretary, puwede ring magtungo ang volunteers sa National Resource and Logistics Management Bureau – DSWD Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.