UMAASA ang actress na si Michelle Yeoh na makatutulong siya sa pagpapalago ng local film talents sa kaniyang home country na Malaysia.
Kasunod ito sa pagkakasungkit niya ng best actress award ng Oscars matapos bumida sa sci-fi kung fu comedy na “Everything Everywhere All At Once.”
Aniya, napakaraming magagaling na filmmakers sa buong mundo at kinulang lang aniya ito sa pagkakaroon ng oportunidad na maipakita ang kanilang talento.
Ito ang dahilan kung bakit ‘willing’ siyang makipag-ugnayan sa mga local filmmaker ng Malaysia.
Samantala, si Yeoh ang kauna-unahang Asian na nakakuha ng parangal mula sa prestihiyosong American award giving body.