NANINIWALA si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na isa sa mawawalang problema kung magiging public utility vehicle (PUV) na ang mga motorcycle taxi ay ang overcharging.
Ito ang pinahayag ni Gutierrez sa panayam ng SMNI News.
Magiging responsable na rin ang mga ito sa qualifications ng riders.
Matatandaang isinusulong ni Senator JV Ejercito ang pagsasaligal ng motor taxis para maayos mai-monitor ang kanilang mga operasyon.
Paliwanag ni Ejercito, kaligtasan ng pasahero at drivers ang pinaka-rason ng panukala.