MAY masamang epekto sa mga biktima ang ‘Overkill’ na paglusob ng kapulisan sa KOJC religious compounds.
Pag-ibig! Ito ang ipinunla ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa puso ng bawat kabataan.
Para kay Pastor Apollo, ang ngiti ng bawat bata ay hindi matutumbasan ng pera o anumang materyal na bagay.
Para naman sa mga kabataan, si Pastor Apollo ang pinaka-simbolo ng pag-ibig, kung saan tinuruan niya ang mga bata kung paano maging pinakamahusay na bersiyon ng kani-kanilang sarili para sa kaluwalhatian ng Panginoong Diyos.
Pero noong Hunyo 10, 2024, ang mga batang inaalagaan at inaaruga ni Pastor Apollo ay dumanas ng isang masaklap na pangyayari lalo na sa KOJC Headquarters at Glory Mountain sa Davao City.
Ito’y matapos ang biglaan, puwersahan, at marahas na paglusob ng mga miyembro ng PNP-SAF at CIDG sa religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para isilbi umano ang warrant of arrest kay Pastor Apollo.
Isa ang batang ito na itago natin sa pangalang Princess, pitong taong gulang, sa mga matagal nang naninirahan sa isa sa KOJC religious compounds kasama ang kaniyang mga magulang na parehong missionary workers. Dito na siya ipinanganak at lumaki.
Ayon kay Princess, labis ang kaniyang takot nang biglang lumusob ang mga armadong awtoridad sa KOJC religious compounds.
Para sa kaniya, “bad guys” ang mga pulis na iyon.
“I’m so scared from the bad guy, the bad guys. When the bad guys come here, I always, the rock, I’ll do like that. Because I’m so scared,” ayon kay Princess.
“Totoo naman na nakita natin sa video na napakalaki ng mga pangyayari, nandoon ‘yung mga bata, nandoon din ang mga babae na sinusubukang protektahan ‘yung kanilang tinitirhan. Una sa lahat, makikita din talaga sa video at maririnig mo doon sa mga nagsabi ng kanilang mga experience na mayroon talaga silang experience first-hand doon sa mga nangyari,” pahayag ni Abegail Escobido-Barbero, Psychologist.
Inihayag ni Abegail Escobido-Barbero, isang psychologist, na ang ‘overkill’ na paglusob ng mga armadong awtoridad ay may malaking impact lalo na sa psychological at emotional well-being ng mga taong first-hand na nakaranas nito.
Una rito, ani Barbero, maaari silang maka-experience ng anxiety, magkaroon ng phobia at trauma.
“Ito ‘yung amount ng overwhelming anxiety na hindi nila kayang i-cope pangalawa diyan is instead of experiencing fear alone, maaari itong mag-lead into phobia. And another one, there is ‘yung tinatawag nating traumatic experience na maaaring mag-lead doon sa trauma. Tayo ay may mga experiences na maaari nating i-handle, may mga capabilities tayo to become resilient in every aspect that we deal with. However, it will change kapag ‘yung experience ay naging overwhelming na. Wala nang capability to cope. Naiintindihan naman natin na dito sa Kingdom, tinuturuan tayo na maging resilient. However, naging overwhelming na, tao pa rin tayo and it really do has a big impact when it comes to coping,” dagdag ni Barbero.
‘Overkill’ na paglusob ng kapulisan sa KOJC religious compounds, may masamang epekto sa mga biktima
Maliban sa phobia at trauma – pwede rin silang dumanas ng ‘Acute Stress Disorder’ dahil sa ‘di makataong pagsalakay ng mga kapulisan.
“Dahil ito ay bago pa pwede natin itong makita na mayroon talagang leading o magde-develop ito into Post-traumatic Stress Disorder after a month. Kitang-kita naman natin dito na very recent talaga ‘to so currently, matatawag pa natin siya na may possibility for an acute stress disorder,” ayon pa kay Barbero.
Sinabi pa ni Barbero na maaari din itong magdulot ng pagtaas ng irritability at aggression sa mga bata.
At dahil bahay ito ng maraming missionaries ng KOJC, maaaring mawalan sila ng pakiramdam ng seguridad.
“KJC Compound is considered to be a sanctuary and a safe space. However, dahil sa nangyari, it may lead to confusion, it may lead also to increase vulnerability and insecurities leading na bakit ganito ‘yung nangyari doon sa loob ng bahay na tinitirhan that they’ve considered to be a safe space.”
“So, ‘yun ‘yung nagiging issue doon. ‘Yung force entry ng heavily armed officers can actually shatter the sense of safety leaving individuals very vulnerable and insecure in a place that they feel safe in the first place,” diin ni Barbero.
Pahayag naman ni Sister Eleanor Cardona, ang Executive Secretary ng KOJC, katotohanan at hustisya ang hinihingi ng lahat ng KOJC missionaries.
“Alagad pa ba talaga sila ng batas? Nakikita natin wala talagang batas. ‘Yung mga bata, ‘yung mga kapatid nating katutubo, doon na talaga sila lumaki and we are very, very familiar with them.”
“All those kids, ‘yung mga pamilya, lahat nandoon sila, they’re living peacefully there, nakita niyo naman kung papaano na-develop at napaganda, naayos ni Pastor ang kalikasan. Ganoon siya magmahal. Ganoon siya mag-alaga. How much more sa mga tao? Kaya, noong nakita namin ‘yung nangyari, masakit kasi mahal na mahal ni Pastor ‘yung mga tao, lahat naman kami, ganoon ang pagmamahal ni Pastor tapos, ito ‘yung mga tinatawag na alagad ng batas na bigla na lang susulpot, forcibly go there and hurt ‘yung mga inosenteng mga kapatid natin doon. ‘Yun na ang naging epekto sa buong Kingdom Nation, not only sa Central, pero kung nakikita niyo, ganoon,” ayon kay Sis. Eleanor Cardona, KOJC Executive Secretary.
Samantala, nagsagawa na ang Kingdom Children Growth School staff ng prayer and debriefing sessions sa mga batang apektado ng pagsalakay ng PNP-CIDG at SAF Troopers sa KOJC Compound noong Hunyo 10.
Bukod sa trauma, dama ng mga bata ang takot lalung-lalo na nang makita ang pagpasok ng mga awtoridad na naka full-battle gear at may mga dala pang matataas na kalibre ng armas.
Ang pagsalakay ay nagdulot ng malawakang takot sa pagbabalik ng awtoritaryang pamumuno sa ilalim ng batas-militar na may kalupitan, pagsasantabi ng mga karapatang pantao at hindi pagsunod sa batas.
Ang Kingdom of Jesus Christ ay ilang buwan na nilang minamanmanan matapos nilang akusahan ng mga mali at hindi totoong paratang si Pastor Apollo.