Overseas voting sa Sao Paulo, Brazil sinimulan na

Overseas voting sa Sao Paulo, Brazil sinimulan na

NAGTUNGO ang team ng Philippine Embassy sa estado ng Sao Paulo sa Brazil at isinagawa ang dalawang araw na overseas voting sa ganap na ika-16 at ika-17 ng Abril.

Dinaluhan ito ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang parte ng estado na sabik bumoto para sa national elections at ihalal ang mga nais nitong mga kandidato.

Samantala, personal namang nagtungo ang bagong Philippine Ambassador to Brazil na si Ret. Army Major General Mario Chan sa estado at pinangasiwaan ang overseas voting.

Personal ding nagpaabot ng kanyang pagbati si Ambassador Chan sa nalalapit na kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa kabila ng botohan ay nagpapatuloy ang ilang serbisyo publiko ng Philippine Embassy sa Brazil.

Follow SMNI NEWS in Twitter