Oversight hearing para malaman ang kahandaan ng DOH vs COVID-19, monkeypox at iba pa, inihihirit sa Kamara

Oversight hearing para malaman ang kahandaan ng DOH vs COVID-19, monkeypox at iba pa, inihihirit sa Kamara

INIHIHIRIT ngayon ni dating Health Secretary Janette Garin na magkaroon ng oversight hearing sa Kamara para malaman ang kahandaan ng Department of Health (DOH) laban sa naglipanang sakit ngayon sa bansa.

Ayon kay Garin, mahalagang malaman kung sapat pa ba ang kakayanan ng bansa kontra COVID-19, monkeypox at iba pang mga sakit ngayong panahon ng tag-ulan.

“Be that as it may, importante pa rin ang oversight powers because with the pandemic, with monkeypox, with dengue, leptospirosis, chikungunya, Japanese encephalitis lahat ng problemang ito kapag dumating ito kailangan handa tayo,” pahayag ni Garin.

Diin ni Garin, kailangan na rin ang agarang pagbuhay sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) para mapalakas ang health advisory ng Pilipinas.

“The immediate revival of the NITAG- o the National Immunization Technical Advisory Group should be inplaced. Yung mga gamot na kailangan natin kunyari dito sa COVID dapat may price ceiling na yan, nakapre-positioned na yan. Yung mga kailangan sa monkeypox dapat rin may price ceiling na yan. Kasama din diyan yung testing,” ayon kay Garin.

Ang NITAG ay binubuo ng mga eksperto na nagdedesisyon kung sino ang mga dapat makatanggap ng bakuna.

Tinutulungan ng NITAG ang DOH at local government units (LGU’s) sa pagbuo ng vaccination guidelines.

Sa Senado, nais ni Senator Bong Go at Sen. Robin Padilla na paimbestigahan ang kahandaan ng bansa sa pagkalat ng monkeypox.

Sa Kamara, nilinaw ni Garin na ang House leadership pa rin ang masusunod kung magkakaroon ng hearing.

“Well, I leave it to the leadership of the house number I was actually planning to give a privilege speech last week with regards to monkeypox. My intention is our oversight powers without actually affecting the work of the Department,” dagdag ni Garin.

 

 

Follow SMNI News on Twitter