OVP Gawad Makabansa: Sakripisyong alay para sa dalawang buhay

OVP Gawad Makabansa: Sakripisyong alay para sa dalawang buhay

PERSONAL na iginawad ni Vice President Sara Duterte posthumously ang OVP Gawad Makabansa Award kay Jundel P. Escorel, 18 anyos, mula Toledo City, Cebu.

Noong Pebrero 4, 2024, buong tapang na iniligtas ni Jundel ang buhay ng dalawang menor de edad, 11 at 12 taong gulang, mula sa pagkalunod sa isang beach resort sa Liloan, Cebu na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Ang OVP Gawad Makabansa ay isang parangal mula sa tanggapan na kumikilala sa natatanging Pilipino na nagpamalas ng kahanga-hangang paglilingkod at walang katulad na serbisyo sa bayan.

Tinanggap ng kaniyang kambal na kapatid na si Junrel P. Escorel at ama na si Emmanuel T. Escorel ang OVP Gawad Makabansa Award nitong Nobyembre 15, 2024, kasabay ng selebrasyon ng ika-89th Anniversary ng OVP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble