OVP nagpapasalamat sa 2M commuters na nakinabang sa Libreng Sakay Program

OVP nagpapasalamat sa 2M commuters na nakinabang sa Libreng Sakay Program

NAGPAPASALAMAT ang Office of the Vice President (OVP) sa lahat ng mga benepisyaryo ng Libreng Sakay Program sa buong Pilipinas. Sa kasalukuyan, umabot na sa 2,046,320 commuters ang nakinabang sa programang ito, as of February 13, 2025.

Mayroon nang siyam na OVP Libreng Sakay buses na nagbibigay serbisyo sa Metro Manila, Naic, Cavite, Cebu, Bacolod, at Davao.

Lubos ang pasasalamat ng OVP sa mga pampubliko at pribadong sektor na naging katuwang sa tagumpay ng programang ito.

Patuloy na magsusumikap ang OVP na maghatid ng serbisyong makabuluhan at magaan sa pang-araw-araw na pagbiyahe ng ating mga komyuter.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble