OVP pinarangalan ng mga partner hospitals para sa medical assistance

OVP pinarangalan ng mga partner hospitals para sa medical assistance

PATULOY na pinalalakas ng Office of the Vice President (OVP) ang serbisyong medikal para sa mas maraming Pilipino sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga medical institutions tulad ng Capitol Medical Center (CMC) at Manila Doctors Hospital (MDH).

Noong Pebrero 20, 2025, ginawaran ng SHINE 2024 Award ang OVP sa Manila Doctors Hospital SHINE Awards, bilang pagkilala sa matapat nitong paglilingkod at pagbibigay ng dekalidad, patas, at abot-kamay na serbisyong medikal sa mga nangangailangan.

Samantala, kinilala rin ang OVP bilang isa sa mga bagong katuwang ng Capitol Medical Center sa kanilang taunang Partners’ Appreciation Gathering noong Pebrero 24, 2025. Dinaluhan ito ng mahigit 50 kinatawan mula sa iba’t ibang mga sektor.

Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa mga medical institutions at sa sambayanang Pilipino sa patuloy na suporta upang tiyakin na walang Pilipino ang maiiwanan sa serbisyong medikal.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble