OWWA, nilagdaan ang kasunduan na tutulong sa OFWs sa Israel

OWWA, nilagdaan ang kasunduan na tutulong sa OFWs sa Israel

NILAGDAAN na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang memorandum of agreement (MOA) kasama si Atty. Hashem Massawi para sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga manggagawang Pilipino sa Israel.

Layon ng kasunduan na mapalakas pa ang pagbibigay-proteksiyon at suporta sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Israel.

Ang proyektong ito ay bahagi ng programang Workers Auxiliary Support Program (WASP) ng OWWA para sa mga OFW.

Samantala, personal namang binisita at ininspeksiyon ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang evacuation shelter sa siyudad ng Tiberias sa Israel.

Inihahanda ng pamahalaan ang naturang shelter sakaling magkaroon ng kaguluhan sa naturang bansa.

Sa ngayon ay patuloy ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Palestine sa Gaza.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter