NASAMSAM ng mga awtoridad ang aabot sa P1.2-M na halaga ng hinihinalang peke at ipinuslit na mga sigarilyo mula sa 3 lalaki at 1 babae sa Botolan, Zambales.
Ayon kay Provincial Director Police Col. Romano Cardiño, ang operasyon na ito ay nag-ugat mula sa nakuhang ulat ng Special Task Group Intensified Cleanliness Policy na may mga iligal na ibinibentang ipinuslit at hinihinalang pekeng sigarilyo.
Nakipag-ugnayan din ang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) bago nagkasa ng operasyon ang mga pulis para mahuli ang mga suspek.
Naharang ng mga pulis ang dalawang van sa Zambales-Tarlac road at dito na nakita ang kahon-kahon na mga sigarilyo sa loob at walang maipakitang dokumento ang apat na sakay ng dalawang van.