Mayor Inday Sara, hindi interesado sa Duterte-Duterte tandem

Mayor Inday Sara, hindi interesado sa Duterte-Duterte tandem

NILINAW ng Regional Party ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi ito interesado na mangyari ang Duterte-Duterte tandem.

Ayon ito kay Hugpong ng Pagbabago (HNP) Secretary General Anthony Del Rosario sa panayam ng SMNI News.

“Kami po sa HNP (Hugpong ng Pagbabago), naniniwala po kami sa liderato ni Mayor Sara and having said that, it also follows that if Mayor Sara is not comfortable with a Duterte-Duterte tandem for 2022, then kami po sa HNP, eh, naniniwala po din kami na hindi dapat mangyari ‘yung Duterte-Duterte tandem. That is how much we respect our chairperson, Mayor Sara,” pahayag ni Del Rosario.

Nilinaw naman ni Del Rosario na susuportahan ng HNP sakaling matutuloy ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 vice presidency.

Samantala, bukas aniya si Mayor Sara na tatakbo sa pagka-pangulo subalit hindi pa rin hanggang ngayon pinal na napagdedesisyunan kung tatakbo nga ba ito.

Sakali namang tatakbo ang Davao City Mayor, posibleng magiging independent candidate ito.

“In all likelihood po she will be running as an independent kasi HNP is a regional party and she has no plans of joining any national party. ang Hugpong ng Pagbabago is registered as a regional party. ‘Pag nagkaroon tayo ng coalition with the five national parties, ‘yung coalition na ‘yun, hindi nag-register ‘yun sa Comelec,’’ Dagdag ni Del Rosario

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.