MAS pinalakas pa ng Department of Education (DepEd) ang kanilang computerization program tungo sa mas mabuting sistema ng pag-aaral sa mga liblib na paaralan sa bansa.
Sa ilalim ng naturang programa ngayong taon, nasa 64,816 laptop at smart TV packages na nagkakahalaga ng P1.913B ang ipinamahagi sa 16 na rehiyon.
Ang DepEd ay nakatanggap din ng 1M Google Education Plus accounts para sa mga guro at non-teaching staff.
Ang platform na ito ay magbibigay ng access sa digital tools gaya ng Google Classroom, Google Meet, at AppSheet.
Idinisenyo ang naturang sistema upang mapadali ang mga gawain tulad ng pagsubaybay sa attendance at pag-compute ng grado ng mga mag-aaral.
Follow SMNI News on Rumble