P10-M pabuya, natanggap ng 13 informants mula sa PDEA

P10-M pabuya, natanggap ng 13 informants mula sa PDEA

ISINAGAWA ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang pagbibigay parangal sa mga natatanging informants na tumulong sa mga operasyon ng ahensya.

Kung saan, higit P10 milyon pabuya ang pinaghati-hati ng mga ito bilang pasasalamat ng PDEA sa walang sawang pagbibigay impormasyon nila patungkol sa droga.

Ang naturang seremonya ay bahagi ng kanilang programang operation ‘Private Eye’, na layong matugis ang iba’t ibang drug personalities katuwang ang mga informant.

Pagtitiyak pa ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang mga sangkot sa iligal na droga na isa rin sa naging mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahan naman ni Dir. Wilkins na magiging daan ang naturang programa ng sa ganon ay marami pang sibilyan ang makikipagtulungan sa PDEA lalo na kampanya kontra iligal na droga.

Sa datos ng ahensiya, libu-libong gramo ng shabu  ang nasabat ng PDEA at ilang dried marijuana at fully-growm marijuana mula ito 22 drug operations katuwang ang 13 informants.

Nasa higit P4 na milyong pabuya ang natanggap ng isang alyas “dream” mula sa ahensiya, isa lang siya sa mga may pinakamataas na halaga na natanggap ngayong araw.

Sinabi pa ni Dir. Wilkins, ang pagbibigay impormasyon ng mga informant ay malaking tulong kung pagbabasehan ang mga nahuhuling drug personalities.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng ahensiya na dumaan sa mabusising proseso ang mga nagiging informant.

Sa katunayan, inaasahan na tataasan pa hanggang sa P15 milyon ang magiging pabuya sa mga informant na papasok sa susunod na taon na  makapaghahatid na tamang impormasyon tungkol sa mga personalidad na nagpapasok ng droga sa bansa.

Sa ngayon ay nasa P40 milyon ang budget na inilaan ng ahensiya para sa mga informant na tatanggap ng pabuya ngayong 2022.

Follow SMNI News on Twitter