P11-B halaga ng investment, ipinangako ng Dyson sa Pilipinas

P11-B halaga ng investment, ipinangako ng Dyson sa Pilipinas

NANGAKO ng P11-B halaga ng investment sa Pilipinas ang kompanyang Dyson, isang multinational technology company na naka-base sa Singapore.

Ayon kay Dyson Chief Executive Officer Ronald Krueger, ang naturang investment ay para sa kanilang bagong factory at R&D Center.

Aasahan din aniya na palalawigin pa ito sa susunod na dalawang taon.

Kaugnay rito, sinabi rin ng Dyson na ang kanilang investment sa Pilipinas ay lilikha ng 1,250 na trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble