UMABOT ng halos P112.6M (P112.57M) ang nakuhang cash mula sa isang Business Process Outsourcing (BPO) firm na ni-raid sa Bagac, Bataan nitong Nobyembre 19, 2024.
Nakita ito sa 12 safe vaults ng firm na Central One kasama ang ilang foreign passports.
Pinaniniwalaang ang mga nakuhang cash ay nalikom mula sa ilegal na aktibidad na ginagawa ng BPO firm na umano’y isang POGO hub.
Tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na wala silang nilabag dahil covered sa isang search warrant mula sa local court ang pagbubukas ng naturang vaults.
Kung matatandaan, ang Central One ay ni-raid na noong Oktubre 31 dahil sa mga alegasyong isa itong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ang raid na ginawa noong Miyerkules ay isa lang follow-up operation.