P12-M halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana, nakumpiska sa Isabela

P12-M halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana, nakumpiska sa Isabela

SA kulungan ang bagsak ng apat na suspek matapos maaresto sa buy-bust operation sa Barangay Abut, Quezon, Isabela.

Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) director Police Colonel Dionisio Bartolome Jr. ang mga nahuli na sina Ericson Wacnang, Troy Balloc, Jesrael Maggongoy, at August Malnag.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 100 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price na P12-M.

Habang nakumpiska rin ng mga awtoridad ang cal. 9mm pistol, 12 piraso ng live ammunition at isang yunit ng motorsiklo.

Dinala ang mga suspek sa PDEG Special Operations Unit 2 Office para sa documentation at proper disposition.

Isasailalim naman sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory ang mga ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble