P125-B capitalization scheme ng Maharlika Fund, aprubado na ng Board—DOF

P125-B capitalization scheme ng Maharlika Fund, aprubado na ng Board—DOF

INANUNSIYO ng Department of Finance (DOF) na aprubado na ng board ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang capitalization scheme na nagkakahalaga ng P125-B.

Batay ito sa resulta anila ng napag-usapan matapos isagawa ang kauna-unahang board meeting noong Enero 3, 2024.

Kasama naman sa ipaprayoridad ng Maharlika Investment Fund (MIF) ayon kay MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing, Jr. ang mga sektor tulad ng imprastraktura; oil, gas, at power; agroforestry industrial urbanization; turismo; at transportasyon maging ang aerospace and aviation.

Matatandaang layunin ng MIC na siyang mangangasiwa sa MIF ang makakuha ng investments na may malaking benepisyo o return para sa Pilipinas.

Dinaluhan ang unang meeting nina MIC President at CEO Rafael Consing, Jr. at Finance Sec. Benjamin Diokno na nagsilbing chairperson ex officio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble