MALAKI ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa kapag tataas ng P150 pesos ang daily minimum wage sa bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ilan sa posibleng idudulot nito ay ang pagbagal ng ekonomiya, pagtaas ng inflation at posibleng pagtaas ng unemployment sa bansa.
Paliwanag pa ni Balisacan, kapag tutugunan ng pamahalaan ang problema sa mababang kita sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod, posibleng magkakaroon ng problema sa pagtaas ng energy cost, mababang infra, mataas na business cost at iba pa.
Matatandaan na isinusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang P150 na wage increase sa lahat ng pribadong sektor sa buong bansa.