UMABOT sa 29.5 bilyong pisong halaga ng ayuda ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).
Partikular na tinukoy rito ang ayuda sa mga magsasakang apektado ng mga kalamidad, krisis at ng Rice Tariffication Law.
Kabilang din sa pondong ito ang ‘Libreng Sakay’ ng EDSA Carousel at sa mga healthcare at non-healthcare workers na bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19.