P29M halaga ng marijuana sa balikbayan box nadiskubre sa MICP

P29M halaga ng marijuana sa balikbayan box nadiskubre sa MICP

NADISKUBRE ng mga tauhan ng PDEA RO NCR ang P29M pisong halaga ng marijuana (kush) na nakasilid sa dalawang balikbayan box mula Canada.

Isinagawa ang operasyon sa Designated Examination Area (DEA), Container Facility Station 3 (CFS3), Manila International Container Port (MICP), Tondo, Manila, kung saan tumambad ang 43 vacuum-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng naturang ilegal na droga.

Kasama rin sa mga nakuhang ebidensiya ang isang garapon na may lamang 679 gramong pinaghihinalaang marijuana oil na may halagang P40,740.

Agad namang isinailalim sa imbestigasyon ang mga sangkot, kabilang ang shipper, receiver, at forwarding company. Sinampahan na rin sila ng naaangkop na mga kaso sa paglabag sa RA 9165.

Ang ebidensiya ng droga ay isusumite sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory examination.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter