P3.4-M shabu, nasabat sa  Muntinlupa City; tatlo katao arestado

P3.4-M shabu, nasabat sa Muntinlupa City; tatlo katao arestado

NAHULI ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong kalalakihan sa palitan ng shabu sa isang parking mall sa Alabang sa Lungsod ng Muntinlupa matapos ang isang buy bust operation.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Vilma Maritana 51-taong gulang, Richard Flaminian, 59-taong gulang, at Bricks Marhana na 18-taong gulang pa lamang.

Ang nasabing mga suspek ay kapwa residente ng Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Nakuha sa mga kalalakihan ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Ang matagumpay na operasyon ay sa pamamagitan ng sanib pwersa ng PDEA Central Luzon, PDEA Southern District Office, at lokal na pulisya ng Muntinlupa.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, maraming pang mga operasyon ang nakatakdang ilunsad ng mga awtoridad sa mga susunod na araw o linggo laban pa rin sa salot na iligal na droga.

Kaya laging paalala ng mga awtoridad na huwag silang subukan ng mga durugista o may mga planong magbenta ng iligal na droga dahil mapapahamak lang ang mga ito.

BASAHIN: Koordinasyon at kooperasyon ng PNP at PDEA, palalakasin

Tatlong most wanted sa probinsiya ng Sorsogon, naaresto sa Muntinlupa City

SMNI NEWS